Mga Pinakabagong Balita:
Press Release, Samu't-sari, 2 October 2008
Ilulunsad ng ANVIL Publishing, Inc. ang bagong edisyon ng Banaag at Sikat, isa sa unang mga pampanitikang nobelang isinulat ni Lope K. Santos sa darating na Sabado, Oktubre 4, 2008 mula 12 n.t. hanggang 2 n.h., sa Bantayog Memorial Center sa Lungsod Quezon. Ang aklat na ito ay ipinapalagay na “obra maestra” ni Santos at […]
Samu't-sari, 30 September 2008
Ipinagpaliban ng KWF ang timpalak sa pagsulat ng Maikling Kuwentong Pambata sa Filipino bunga ng kakulangan sa impormasyon tungkol dito.
Ipahahayag ng KWF sa hinaharap ang detalye gaya ng huling araw ng pagsusumite ng lahok, at iba pa pagkatapos magdesisyon ang Lupon ng Komisyoner.
Samu't-sari, 30 September 2008
Pambukas na Palatuntunan ng Buwan ng Wika.
Ang Pagpupugay sa Watawat na idinaos sa Mabini Hall Ground noong Agosto 4, 2008 ang naging hudyat ng pormal na pagbubukas ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa taong ito.
Bagamat umuulan na noon, ay masigla at mainit pa ring tinanggap ni Komisyoner Jose Laderas Santos sa kanyang […]
Samu't-sari, 19 September 2008
Ito ang tema ng Panayam sa Alaala ni Emy M. Pascasio na ginanap noong Sabado, Setyembre 13, 2008 sa Audio Visual Room ng Faura Hall, Loyola Schools, Pamantasan ng Ateneo de Manila. Sa okasyong ito, dalawang papel ang inilahad:
Una, “Reflecting on the Philippine Languages-in-education Issue” ni G. Nap Imperial, Puno ng Educational and Manpower Development […]
Administratibo, 12 September 2008
Dumalaw si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa burol ni Tiya Dely noong Setyembre 5, 2008 upang makidalamhati sa pamilya ng yumao at magbigay ng kanyang huling respeto sa tinaguriang Reyna ng Radyo. Si Tiya Dely ay inihatid sa huling hantungan nitong nakaraang Sabado, Setyembre 6, 2008.
Si Tiya Dely ay malapit na kaibigan ng mga magulang ni […]